I made a testimony for our church’s new letter/paper for the next week/sunday. It took me the whole night thinking/wondering what to post and man what a difficult thing to do.
Ang dating buhay ko noon ay taliwas sa kung ano man ang paniniwala ko ngaun. Noon, ako'y isang taong maraming hinanakit sa mundo. Madaling magalit. Hindi marunong makontento o magpasalamat sa mga bagay na kung ano ang meron ako. Bukod sa aking mga kaibigan, hindi ako masyado malapit sa mga tao. Kahit na sa aking sariling pamilya. Ako'y isang taong walang pakialam sa paligid ika nga.
Masyado kong isinubsob ang sarili ko sa pang-lilimos ng pagmamahal sa aking ina na noo'y sa tingin ko ay mas mahal at mas mahalaga sa kanya ang aking kapatid na babae kesa sa akin. Natabunan ako ng selos. Masyado akong naging makasarili at nakalimutan ko ang tungkol sa Diyos.
Sino nga ba ang hindi nakaka-kilala sa Diyos? Iba-iba nga lang ang impresyon at interpretasyon ng bawat isa. Para sa akin, siya ang taga-likha ng bawat nilalang sa mundo. Mula sa mga halaman, puno, hayop at hanggang sa mga tao. Siya ang takbuhan pag may problema. At ang taga-hukom pagdating ng araw.
Akala ko kilala ko siya, ngunit hindi pala talaga.
Ang tagal kong hinintay at hiniling ang pag kakataong malaman o matutunan ang lahat ng tungkol sa kanya at kung ano ba talaga ang meron sa kanya.
Naiisip ko man siya, paminsan-minsan nga lang. Dahil naaalala ko lang sya kapag sumasama ang loob ko. Puro mga tanong at mga panunumbat ang laging ibinabato ko sa kanya.
Ngunit sa kabila ng aking pagiging sutil, ngayon ko lang naiintindihan ang halaga ng lahat ng mga negative na nangyari sa akin. Hinuhulma lang pala niya ang aking pagkatao upang maging malakas para sa mga pagsubok sa aking buhay, Para hindi sumuko. Bagkos ay itaas na lamang ang lahat lahat sa kanya.
Hindi lingid sa ilan ang problema ng aking pamilya. Siguro kung hindi ko tinanggap ang Diyos sa aking buhay, maaaring patuloy pa din akong mamuhay na puno ng galit at pagpapabaya. Ngunit dahil may basbas na ako ng banal ng espiritu, masaya kong tinatannggap ang mga problemang iyon. Ayon nga sa wikang ingles, "BRING IT!". Wala akong pag-alinlangang nakakaharap sa mga tao at nakakangiti o nakakatawa kasama nila. Aware na din ako sa mga kilos at galaw ko. Makagawa man ako ng mali, andun na agad ung realidad na "teka, mali na 'to." At higit sa lahat, araw-araw na din ako nagpapasalamat sa lahat ng mga biyaya na binibigay niya sa akin. Gaano man kalaki o kaliit iyon.
Ngayon ko lang naramdaman ang saya ng buhay sa kabila ng mga bagyong dumadating. Kahit na konti pa lang ang nalalaman ko tungkol sa Panginoon, masaya ako kasi binigyan niya ako ng pagkataon upang kilalanin siya ng lubos.
Sorry if it’s in Tagalog. I’m kinda not in the mood of re-writting it in English. But I will make an English version of it when I have time hehehe….
No comments:
Post a Comment